bfar Archives - Toby Tiangco

Mahihirap na Mangingisdang Navoteño, Nakatanggap ng mga Bangka
Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga fiberglass na bangka at mga lambat sa 80 mahihirap na mangingisdang Navoteño.

Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco, Vice Mayor Clint Geronimo at Cong. Toby Tiangco, kasama ang mga opisyal ng lungsod at si Pierre Velasco ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang pamimigay ng mga ito Lunes ng umaga.

Ang mga bangka, na may 18 hp engine, ay ipinamigay nang libre sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng NavoBangka-buhayan Program.“Ayon sa mga pag-aaral, nananatiling mahirap ang mga mahihirap dahil wala silang regular na kita. Anuman ang kanilang kinikita, ginagasta agad nila ito sa kanilang mga pangangailangan. Hindi nila ito napaplano nang maayos dahil meron sila parating pagkakagastusan,” ani Mayor Tiangco sa mga benepisyaryo.

“Ayaw namin ang ganitong buhay para sa inyo kaya nagsisikap kaming ibigay sa inyo ang inyong mga pangangailangan para magkaroon kayo ng regular na pagkakakitaan. Gamitin ninyo ang bangka at lambat na aming ibinigay para matustusan ang gastusin ng inyong pamilya. Ipunin ninyo kahit ang pinakahuling sentimo at iwasang malulong sa bisyo,” dagdag niya.

Pinaalalahanan din ng nakababatang Tiangco ang mga benepisyaryo na maging responsable sa pangingisda at tumulong sa pangangalaga at pagpreserba sa kalikasan.Samantala, binate ni Cong. Tiangco ang mga benepisyaryo at sinabi niyang hangad din ng pamahalaang lungsod na matulungan hindi lang sila kundi pati na ang mga Navoteño na nangangailangan ng hanapbuhay.

“Ipinapatayo natin ang dalawang training center para sa mga nais magkaroon ng technical-vocational skills. Meron din tayong mga entrepreneurship caravan para maturuan ang mga Navoteño kung paano magsimula ng sariling negosyo,” aniya.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng NavoBangka-buhayan Program ang mga mahihirap na rehistradong mangingisda. Kailangan nilang sumailalim at pumasa sa drug test, at panatlihin ang “good moral standing” sa komunidad.

Ang pamahalaang lungsod ang bumili ng mga materyales para sa paggawa ng fiberglass na mga bangka. Ang BFAR naman ang nagbigay ng training sa mga benepisyaryo kung paano ito gawin at ikumpuni.

Sinabi rin ni Mayor Tiangco na may natitira pang materyales para makagawa ng lima hanggang sampung bangka. Aniya, hihiling siya ng karagdagang pondo sa Sangguniang Panlungsod para mas marami pang fiberglass na bangka ang maaaring gawin.

article source: https://www.facebook.com/notes/navote%C3%B1o-ako/mahihirap-na-mangingisdang-navote%C3%B1o-nakatanggap-ng-mga-bangka/2529024637124496/

The post Mahihirap na Mangingisdang Navoteño, Nakatanggap ng mga Bangka appeared first on Toby Tiangco.

2 Bagong Barko ng BFAR, Gawang Navateño
Dalawang bagong 50.5-meter steel-hulled Multi-Mission Offshore Vessels (MMOVs) ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang inilunsad kahapon sa Josefa Slipways Inc. sa Brgy. San Roque, Navotas City.

Ang nabanggit na mga sasakyang-pandagat ay gagamitin upang protektahan ang katubigan ng Pilipinas laban sa iligal na pangingisda at iba pang mga aktibidad tulad ng seaborne research, disaster relief at rescue operations.

Sinaksihan nina Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, Defense Secretary Delfin Lorenzana, BFAR Director Eduardo Gongona, Magdalo Representative Gary Alejano, Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang seremonya.

Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki ni Mayor Tiangco ang galing ng mga Navoteño at ipinabatid ang umuunlad na industriya ng paggawa ng mga sasakyang-pantubig o shipbuilding sa Navotas.

“Ang mga barkong ito ay bunga ng galing at kasanayan, at pagiging malikhain at maparaan ng mga Navoteño. Ang ating mamamayan ang tunay na lakas at kayamanan ng ating lungsod,” aniya.

“Noong ako pa ang namumuno sa Metro Manila Shipyard Association, marami akong napuntahang mga shipbuilding at ship-repair convention. Buong pagmamalaki kong masasabi na ang dalawang bagong MMOV’s na ito ay kasing-ganda ng kalidad sa mga barkong gawa sa ibang bansa,” pagdaragdag niya.

Samantala, bukas naman si Congressman Tiangco sa plano ng administrasyong Duterte na magkaroon ng mas marami pang barko na magbibigay-proteksyon sa katubigan ng bansa.

Ayon sa mambabatas, maraming Navoteño ang makikinabang kung matutuloy ang proyektong ito, kung saan lokal na industriya ang magsu-supply ng mga MMOVs.

“Buo ang aming suporta sa hangarin ng pamahalaan na mapangalagaan at maprotektahan ang ating mga karagatan, at gagawin namin ang aming makakaya upang makatulong sa pag-iingat ng ating mga katubigan at pangisdaan,” ani Congressman Tiangco.

Ang Navotas ang itinuturing na fishing capital ng bansa. Matatagpuan din rito ang 29 na mga kompanyang gumagawa o nagkukumpuni ng mga barko, at nagbibigay ng mga serbisyong tulad ng shipyard at dry-docking.

Sinimulan ng Josefa Slipways ang paggawa sa mga barko ng BFAR, na ngayo’y pinangalanan ng MMOV Lapu-lapu at MMOV Francisco Dagohoy, noong Enero 2016.

Ang dalawang sasakyang-pandagat ay nakahandang ikomisyon sa Oktubre at magkakaroon simbolikong paglalayag sa West Philippine Sea, Philippine Rise at Sulu Sea.

article source: https://www.facebook.com/notes/navoteño-ako/2-bagong-barko-ng-bfar-gawang-navoteño/1874535899240043

The post 2 Bagong Barko ng BFAR, Gawang Navateño appeared first on Toby Tiangco.