mangingisda Archives - Toby Tiangco

MOA para sa Kapakinabangan ng mga Mangingisda sa Navotas, Nilagdaan
Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangi­ngisda Scholarship Program.

Base sa kasunduan, limang kamag-anak, hanggang second degree of consanguinity o affinity, ng 2018 Top Ten Outstanding Fisherfolk ay maaari ng makakuha ng educational assistance mula sa Navotas City goverment.

Kabilang sa unang batch ng Ulirang Pamilyang Mangingisda scho­lars sina Rhea Garnodo at Lenz Edrick Sabino ng Brgy. Tanza 1; April Rose Santiago at Apple Udarbe ng Brgy. Tangos South; at Nathaniel Mongolian ng Brgy. Sipac-Almacen.

“Nais natin na mabigyan ang mga anak at iba pang kaanak ng ating mga rehistradong mangingisda ng pantay na pagkakataon na makamit ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng de-kalidad na edukasyon nang hindi nahahadlangan ng problemang pinansyal,” sabi ni Mayor Tiangco.

Sa ilalim ng MOA, bibigyan ng Navotas ang mga iskolar ng P16,500 transportation at food allowance pati na P1,500 na book stipend bawat aca­demic year.

Samantala, inaasahan sa mga iskolar na panatilihin nila ang pagkakaroon ng mataas na marka at ma­buting pag-uugali; ang pagiging malusog; at ang paglilingkod sa pamahalaang lungsod, kung kinakailangan.

Itinatag ng pamahalaang lungsod ang NavotaAs Scholarship Program noong 2011. Noong una, saklaw lang nito ay mga estudyanteng nangunguna sa klase at mga gurong nais mag-aral ng graduate studies.

Noong 2016 at 2017, idinagdag ang athletic at art scholarships.

Simula nang magkaroon ng scho­larship program, umabot na sa 291 aca­demic scholar, 293 athletic scho­lar, at 19 art scholar ang napag-aral ng pamahalaang lungsod.

Kaugnay nito, bukas naman ang tanggapan ni Navotas Lone District Rep. Toby Tiangco para tumulong sa iba pang suliranin ng mga mangingisda sa lungsod.

“Mula Lunes hangang Biyernes, bukas po ang aking District Office sa likod lang ng city hall para maka­tulong,” ayon kay Cong. Toby.

article source: https://www.abante.com.ph/moa-para-sa-kapakinabangan-ng-mga-mangingisda-sa-navotas-nilagdaan.htm

The post MOA para sa Kapakinabangan ng mga Mangingisda sa Navotas, Nilagdaan appeared first on Toby Tiangco.

Magkapatid na Tiangco, Namigay ng Lambat
Maaga ang Pasko para sa mga mangingisdang Navoteño matapos silang regaluhan nina Cong. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ng mga lambat.

Nasa 287 rehistradong mangingisda ang nakatanggap ng mga 200-metrong bottom set gillnet na may iba ibang mesh size.Sa kanyang talumpati, binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at pinuri sa responsable nilang pangingisda.

“Bilang rehistradong mangingisda, sumusunod kayo sa mga patakaran ukol sa responsableng pangingisda at tumutulong kayo para manatiling balanse ang ekolohiya ng ating mga karagatan. Bilang kapalit, hangad naming ibigay sa inyo ang mga gamit na kailangan ninyo para dumami pa ang inyong huli,” aniya.

Ngayong taon, namigay ang Navotas ng 12 na 25-foot fiberglass boat na may 7.5hp diesel engine sa 24 mahihirap na mangingisdang Navoteño. Namigay rin ang lungsod ng mga lambat sa 116 mag-aalimasag.

Ibinalita rin ng alkalde na ipinasa na ang executive order sa Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship. Ang mga hinirang na Top Ten Outstanding Fisherfolk, na iginagawad tuwing Navotas Day, ay maaaring mag-apply ng scholarship para sa isa niyang anak.

Samantala, hinikayat ni Cong. Tiangco ang mga benepisyaryo na himukin ang ibang mga mangingisdang Navoteño na magparehistro para makinabang rin sila sa mga programa ng lungsod.

Nitong 2018, nakipag-partner ang kanyang tanggapan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para magsagawa ng one-stop shop registration para sa mga mangingisda.

article source: https://www.facebook.com/notes/navote%C3%B1o-ako/magkapatid-na-tiangco-namigay-ng-lambat/2393097770717184/

The post Magkapatid na Tiangco, Namigay ng Lambat appeared first on Toby Tiangco.